NANOOD KAYA SI ANGEL? Pagkamatay ni Alwina sa ‘Mulawin vs. Ravena, iniyakan ng loyal fans ng original series!

THE TWO ALWINAS: Heart Evangelista (2017) and Angel Locsin (2003)

IKINABIGLA ng mga loyal viewers ng Mulawin vs. Ravena ang pagkamatay ni Alwina, ang sugo ng mga Mulawin, sa Wednesday episode ng programa.

Sa current version ng show ay si Heart Evangelista na ang humalili sa papel na ginampanan noon ni Angel Locsin. Minahal ng maraming manonood ang karakter nina Aguiluz, Gabriel at Alwina, kaya tagos sa puso ang ginawang pagpaslang ni Reyna Rashana (Chynna Ortaleza) kay Alwina (Heart Evangelista). Idagdag mo pa ang napakahusay na performance ni Dennis Trillo as Gabriel, kung saan kitang-kita mo na kahit pa siya’y hari ng mga ravena, hindi pa rin nawawala si Alwina sa puso niya.

If you’re too young to know, ang original fantaserye na Mulawin ang naging daan para matalo ng GMA-7 ang ABS-CBN sa primetime noon. Dito nakitaan ng potensyal sina Richard Gutierrez at Angel Locsin na maging big stars ng Kapuso network at eventually ay nagkaroon sila ng maraming endorsements at pelikula. Ang Mulawin lamang ang GMA Telebabad show nila na magkasama, pero naging successful din ang ilan sa mga action or fantasy-themed shows ng siyete na pinagbidahan nila.

Alwina was an epitome of a strong woman, kaya grabe ang hugot ng mga loyal viewers ng show dahil ang bagong Alwina ay kinain na ng lungkot at pighati. Medyo nakaka-insulto lang din na si Rashana ang nakapatay sa kanya at ni hindi man lang ito lumaban para sa mga anak!

Dagdag sa heartbreaking factor ang mga flashbacks from the original TV and movie series, kung saan halata mo talaga na si Angel Locsin ang Alwina na ‘yun. Ang mga makakaalala ay magegets kung bakit affected much ang characters nina Pagaspas (Miguel Tanfelix) at Lawiswis (Bianca Umali) sa paglisan ng iconic character.

Anyway, hindi kami sure kung plano ba talaga ng GMA na patayin agad ang character ni Alwina played by Heart dahil mas magco-concentrate na sa bagong generation ng mga Mulawin at Ravena, pero masakit talaga! (Obyus ba na affected much kami? HAHA!)

Dahil tigok na sa fantaserye, isang light romance-comedy naman ang next project ni Heart na My Korean Jagiya, kung saan she is set to be paired with a Korean actor.

We wonder: Kahit na ganap na silang Kapamilya stars, sumisilip-silip din kaya ang mga original Mulawin lead stars na sina Richard Gutierrez lalo na si Angel Locsin? We wonder how they feel about this new version…

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.