Nanonood lang ng dance contest
Kelot, Patay sa Tusok

PATAY ANG isang binata na sinaksak sa dibdib habang nanonood ng dance contest sa loob ng Ameligan Elementary School.

Isang malaking su-gat sa dibdib ang natamo ni Jonel Villariña na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Ayon  kay SPO2 Fernando Marquez, imbestigador ng Pontevedra PNP, sinabi nito na nanood sa dance contest ang biktima nang biglang sapakin sa mukha ni Archie Villareiz nang walang kadahilanan.

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating si Janisco Villareiz at kasunod sa paglapit sa biktima ang pagsaksak nito sa dibdib.

Nagtangkang tumakas ang mga salarin matapos ang insidente ngunit nadakip ng grupo ng kapitan ng barangay ng naturang lugar.

Samantala, nakapiit na sa kulungan ang magkamag-anak na Villareiz.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.