Nanloob sa Opisina ni MMDA Chair Tolentino, Tiklo

ARESTADO ANG isa sa mga salarin na nanloob sa opisina ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa Makati City.

Nabatid na pinasok ng mga kawatan ang opisina ng MMDA chairman na ipinapalagay na dalawang araw nang nasa loob at posibleng nagtago sa takip ng ni-renovate na air-conditioning unit ng tanggapan.

Hindi pa mabatid kung may mga nakuhang bagay ang mga suspek sa opisina ni Tolentino.

Si Tolentino ay kabilang sa mga sumalubong kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino sa pagdating nito mula sa Switzerland.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.