Nanloob sa Gov’t Office sa La Union, Tukoy Na

MAY LEAD na o may tinutumbok na ang pulisya sa pagkakakilanlan sa driver na ginamit ng mga kawatan sa pagtangay ng mga office equipment ng Legislative Building sa bayan ng Aringay, La Union.

Kinilala ng La Union Police ang driver mula sa ginamit na gateaway vehicle ng mga salarin na isang Toyota Revo na may plate number AHG-838.

Sa ginawang imbestigasyon, kinilala ang driver na si Orsolo Villalon, 34, residente ng Montebello Village Bakakeng Road, Baguio City, na umano’y assigned driver sa naturang behikulo.

Una nang kinumpirma ng kapulisan mula sa anak ng suspek na si Sed, na ang kanyang ama ang nagmamaneho sa nasabing sasakyan mula nang mamatay ang kanyang tiyahin.

Magugunitang pinasok ang mga kawatan ang legislative building sa bayan ng Aringay sa naturang lalawigan at ninakaw ang iba’t ibang computer sa loob nito.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.