Nanlaban sa holdaper kulektor, binaril, patay

ISANG KULEKTOR NG pautang ang binaril at napatay ng isa sa dalawang hindi nakikilalang suspek at pagkatapos ay tinangay ang malaking halagang kuleksyong pera ng biktima sa Caloocan kamakalawa ng umaga.

Ang biktima na namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng isang tama ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa katawan ay si Romeo Cayanan, 53, may-asawa at residente ng #42 Pasig St. corner Cainta St., Maypajo, Barangay 30, Caloocan.

Base sa ulat ng Caloocan Police, bandang alas-8:00 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa harap ng isang Elias Store na matatagpaun sa #91 Zamora St., Brgy.19.

Nabatid na kasalukuyang nakatayo ang biktima sa nasabing tindahan nang lapitan ng dalawang suspek at sapilitang kinukuha ang kuleksiyong pera na nagkakahalaga ng P150,000.

Dahil dito, nanlaban ang biktima, kaya isa sa mga suspek ay agad na binaril ang una na tinamaan sa gawing kaliwang bahagi ng katawan at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas sakay ng isang motorsiklo at tangay-tangay ang nasabing halaga sa hindi nabatid na direksiyon.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ang Caloocan City police ng malawakang paghahanap laban sa dalawang suspek. (ROMAN MAGPOC) 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.