Nanita sa humaharurot na motorsiklo Pedicab Driver, Pinagbabaril

PATAY ANG pedicab driver matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo nang sitahin ng una ang matulin na pagpapa-takbo sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Telesporo Pajarilla, 49, ng Riverside St., San Rafael ng  lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na nakilala lang sa mga alyas na Nonoy at Tingga.

Batay sa ulat, alas-4 ng hapon, humaharurot ang dalang motorsiklo na hindi na nakuha ang plaka ng mga suspek sa nasabing lugar nang parahin at sitahin ng biktima.

Nagalit ang isa sa mga suspek at pinagbabaril ang biktima bago nagsitakas.

(MARY H. SAPICO)

 

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.