Naningil kasi ng pautang Binata, Inatado ng Kainuman

ISANG BINATA ang walang habas na tinadtad ng saksak hanggang sa mapatay matapos na maningil ng pautang sa Brgy. Catacte, Butos, Bulacan.

Ayon sa ulat ni Chief Insp. Arwin Tadeo, Bustos Police chief, kinilala ang biktima na si Roberto Rumbaoa, 41 anyos, binata, tubong Isabela at nanunuluyan sa Brgy. Bahay Pare, Meycaucayan City.

Agad namang nadakip ang isa sa mga suspek na si Victor Ewayan, 19, taga-Sampaloc Site 2, BF Homes, Parañaque City; samantalang hinahanap pa ang isang Ben Bedania.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Denmark De Leon, may hawak ng kaso, naganap ang insidente bandang alas-10 ng gabi habang nag-iinuman ang pinsan ng suspek na si Emilio Dalipe, 21, binata, kasama ng biktimang si Rumbaoa at si Ben Bedania.

Nagkaroon umano ng singilan sa matagal nang utang. Dahil pareho ng lasing, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito na nauwi sa rambulan at paluan ng kahoy magkasama ang biktima at si Bedania laban kay Dalipe.

Sa puntong ito, nakita ng suspek na pinagtutulungan ang kanyang pinsang si Dalipe kaya nakialam na ito sa gulo at ng makakita ng kitchen knife, agad na dinampot ito at walang habas na pinagsasaksak ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na ang pinakagrabe ay ang tama nito na tumagos sa puso at baga na agad nitong ikinamatay.

Bandang ala-1:30 ng madaling-araw, nagtangka pang tumakas ang suspek nang tangayin nito ang isang tricycle ng isang kagawad ng nasabing barangay ngunit agad na naaresto ng mga pulis.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Bustos detention cell habang nahaharap sa kasong homicide.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.