Nangungulila sa asawa at mga anak Mister, nagbigti

BAGO PA man umanong lubusang mangulila sa kanyang asawa na patungong ibang bansa at mga anak na inuwi sa probinsiya, minabuti na lamang ng isang mister na wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang nylon cord kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang biktimang wala nang buhay nang matagpuan ay nakilalang si Rodel Elnar, 43, driver, ng 1324 Lirio St., Bo. San Jose, Brgy. 187, Tala, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:45 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa sala ng kanilang bahay sa naturang lugar na na-kabigti sa kisame gamit ang nylon cord.

Ayon kay Francia, 36, overseas Filipino worker (OFW), nagulat na lamang siya pagpasok ng kanilang bahay nang makita ang katawan ng asawa na nakabitin sa kisame.

Dito, agad siyang hu-mingi ng tulong sa kanilang mga kapit-bahay para ibaba ang asawa at kalasin sa pagkakatali ang nylon cord sa leeg subalit wala na itong buhay.

Sinabi pa ni Francia, na nalungkot ang asawa nito nang ihatid ang kanilang sa probinsiya kamakalawa at nakatakda na rin siyang umalis patungo sa bansang Taiwan para magtrabaho sa darating na Abril 5, 2012.

Samantala, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang alamin kung totoong nagpakamatay ang biktima o kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.