Nangulila kay misis, mister nagbigti

SA LABIS NA pangu-ngulila sa kanyang nahiwalay na asawa, mi-nabuti ng isang mister na wakasan na ang buhay nang magpakamatay ito sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanyang bahay sa Caloocan City, noong Linggo ng gabi.

Hindi na nadala pa sa pinakamalapit na ospital si Raul Estrada, 48, driver, residente ng Phase 5, Block 26, Lot 32, Bagong Silang, Caloocan City.

Sa pahayag ni Marcelo Adonis, 39, kaibigan ng biktima, bandang alas-7:55 nang makita niya si Estrada na nakabigti sa kisame ng bahay nito at wala nang buhay.

“Humingi ako ng tulong sa mga kapitbahay ni Estrada at pinagtulu-ngan namin siyang ibaba,” ani Adonis.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), gumamit ng nylon cord ang biktima saka itinali sa kisame bago ipinulupot sa leeg nito.

Naging malulungkutin umano ang biktima simula nang mawalay sa piling ang asawa.  (ROMAN MAGPOC

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.