Nangulila kay misis, Mister, 4 na beses nagparaos sa anak

BALIUAG, BULACAN – TULALA at wala sa sarili ang isang 15-anyos na dalagita na umano’y dumanas ng matin-ding pahirap mula sa manyakis nitong ama nang dumulog sa barangay hall ng Makinabang upang ireklamo ang kahalayan nito sa kanya.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rezalino Andaya kay Ac-ting PNP Provincial Director P/Ssupt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Domingo Bumalay Y Ginyas, 44 anyos,isang construction worker, residente sa nabangit na barangay, samantala ang biktima naman ay itinago sa pangalang Julia, bunso at nag-iisang babae sa apat na magkakapatid.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Women’s and Children’s Desk, dakong ala-1 ng hapon nang arestuhin ng dalawang barangay tanod na sina Manolito Baliwag at Redante Joson ang suspek sa loob ng kanyang tahanan.

Ayon sa salaysay ni Julia sa mga awtoridad, apat na beses na umano siyang ginahasa ng kanyang ama, una nitong Nobyembre 28 ng nakalipas na taon, at muli itong nasundan noong Marso 3, at dalawang beses pa na hindi na niya matandaan kung kailan at kung anong oras, dahil sa kalituhan at matinding takot na nararamdaman nito, kung saan palagi umanong lasing sa alak ang kanyang ama sa tuwing umuuwi ng bahay.

Aniya,hindi na niya kaya ang ginagawa ng kanyang tatay na lasenggo, dahil palagi umano siyang tinatakot na ‘wag n’yang ipagsasabi ang nangyari sa kanila, kung saan may masamang mangyayari sa kanya. Upang hindi na muling maulit pa panghahalay, naglakas-loob na itong magsumbong.

Kung saan palagi umano siyang sinasaktan. Bunsod ng matinding pahirap desidido na siyang ipakulong ang manyakis nitong ama, upang hindi na ito pamarisan ng iba.

Nabatid sa batang biktima na matagal na rin nilang hindi nakakasama ang kanilang ina, dahil sa umuwi muna ito sa kanilang probinsya sa lalawigan ng Ilocos Sur noong nakalipas na 2010.

May teorya naman ang mga pulis na posibleng na-ngulila si Mister sa matagal na hindi pag-uwi ng kanyang asawa na nasa Ilocos. Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Baliuag Municipal Jail sa kasong 4 counst of Rape in relation to Republic Act 7610. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Nangulila kay misis, Mister, 4 na beses nagparaos sa anak

Leave a Reply

Your email address will not be published.