Nanglait sa Anak ng Kinakasama, Tigok

TIGOK ANG lasing na lalaki matapos pagsasaksakin ng anak na kinakasama matapos laitin at pagmumurahin ng una ang huli sa loob ng kanilang bahay sa Navotas kamakalawa ng tanghali.

Dead on ths spot sanhi ng dalawang saksak sa dibdib si Gregorio Diego, 46, ng Old Fish Port sa North Bay Boulevard North ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga suspek ang stepson ng biktima na si Roefer Evangelista, 20, ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-12 ng tanghali, umuwing lasing ang biktima at inabutan na naghahanda ng pananghalian ang biktima.

Nilait at pinagmumura ng biktima ang suspek na nagalit at kumuha ng patalim bago pinagsasaksak si Diego.

Tumakas ang suspek na dala ang ginamit na patalim sa pananaksak.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.