Nangibang-Bahay si Mister

Dear Atty. Acosta,

 

NANGIBANG-BAHAY PO ang aking asawa, mayroon na po siyang kinakasama at ito ay inamin niya mismo sa akin. Nakumpirma ko po ito noong minsang sundan ko siya pauwi galing sa trabaho. May tatlong buwan na pong wala sa amin ang asawa ko. Ano po ba ang dapat kong ikaso sa kanya para mapanagot siya sa ginawa niya? Hindi na rin po siya nagbibigay ng suporta sa mga anak namin.

 

Nena

 

 

Dear Nena,

 

ANG PAGSASAMA ng iyong asawa at ng kanyang karelasyong babae sa isang tirahan ay ipinagbabawal ng batas at ito ay may karampatang kaparusahan. Maaari mong sampahan ng kasong Concubinage ang iyong asawa ganun na rin ang nabanggit na babae. Sang-ayon sa Article 334 ng Revised Penal Code of the Philippines, ang pagsasama ng isang lalaking may asawa at isang babae na hindi naman niya asawa sa isang bahay upang sila ay magsama bilang mag-asawa ay mayroong kaparusahang pagkakulong na hindi bababa sa anim (6) na buwan at hindi lalagpas sa apat (4) na taon.

Ganun din, ang ginawang pagtataksil sa iyo ng iyong asawa ay itinuturing na isang uri ng pananakit sa iyo ng iyong asawa at ito ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas, alinsunod sa Republic Act (R.A.) No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act. Sa ilalim ng batas na ito, ang sino mang lalaki na mananakit sa kanyang asawa o karelasyong babae, maging pisikal, sikolohikal o ekonomikal, ay mayroong karampatang kaparusahang pagkakulong. Kung kaya maaari mong sampahan ng kaso ang iyong asawa dahil sa paglabag sa batas na ito. Dagdag pa rito, ang hindi pagbibigay ng sustento ng isang lalaki sa kanyang asawa at mga anak ay mahigpit ding ipinagbabawal ng batas na ito.

Maaari rin siyang mapanagot sa paglabag niya sa Republic Act No. 7610 o ang batas na naglalayong protektahan at isulong ang karapatan ng mga kabataan laban sa pang-aabuso, eksploytasyon, at diskriminasyon. Sang-ayon sa naturang batas, ang hindi pagbibigay ng suporta o sustento ng isang tao na may obligasyong magbigay nito ay isang uri ng pang-aabuso sa isang bata o menor de edad na nangangailangan ng kanyang suporta at kapag ito ay napatunayan, ang taong hindi nagbigay ng suporta ay mapapatawan ng kaparusahang pagkakulong (Section 3 (3), R.A. No. 7610).

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

5 thoughts on “Nangibang-Bahay si Mister

  1. Dear Atty Acosta,3yrs old pa lang po ako nong nagsama ang nanay at stepfather ko,nanay ko lang po ang may work habang nagsasama sila.l,stepfather ko wala,para mapagawa yong bahay nmin nag benta si nanay ng lote at nabuo yong bahay,nong nagkatrabaho yong stepfather ko nambabae at nagkaanak po sila ng babae niya at iniwan ang nanay ko 7yrs nakalipas namatay ang nanay ko at kinukuha ng stepfather ko yong bahay dahil kanya daw yon,hindi sila kasal ng nanay ko kasi kasal ang nanay ko sa tatay ko.May karapatan po ba ako sa bahay ng nanay ko,may karapatan din po ba yong stepfather ko….

    Juliet.

  2. Atty. Kung ung babae po bang kasal na ay nahuli ng asawa na may ka chat na ibang lalaki na nasa abroad, may kaso rin un?
    Hindi pa po sila nagkikita inperson dahil thru social media lng sila nagkakilala at ngkapalagayan ng loob?
    Pero iniinsist ng asawang lalaki na my mga copy sya ng convo ng asawa nya at nung lalaki sa abroad? Ano pong kaso ang kinkakaharap ng babae? Salamat po..

  3. Good day atty..manghihinge po sana ako ng tulong sa inyo about po sa hindi na pgsusustento ng mr.ko sa amin ng anak ko.nasa abroad po sya ngtatrabaho ngayon..lage po syang ngpapa extend para daw po maiwasan nya kami.dapat nung september pa sya ng finish contract pero ngpa extend sya ng december,ngayun nabalitaan ko ngpa extend na naman sya hanggang april..simula po ng abroad sya hindi po kada buwan sya ngpapadala kc katwiran nya mg iipon sya kc uuwi na sya,mga 5months din di mkapadala..yun nga inintindi ko nalang kc katwiran nya mg ipon sya hanggang sa nkauwi sya nung december..1month lng sya dito din bumalik agad kc ngbakasyun lang..nung bumalik sya nung january,ngpadala siya until MAY lng,at simula nun di na nasundan ng padala..nung ngpost aq nung ngkasakit anak ko saka lng sya ngpadala ulit nung AUGUST 3,000..hanggang ngayon wala na po.ginawa nya na po to last year na di po sya ngsusustento sa amin,dpende lng sknya kung mgpadala sya,tpos ngayun inulit n naman.kasado po kami at may anak isa 4years old na..atty.hinihinge ko po tulong nyo anung dapat kung gawin.ito dinadahilan nya pg ng aaway kmi yung winawala nya obligasyun nya sa amin.maraming salamat po and godbless..

  4. Dear Atty. Acosta,

    Kuya po ito ni Ericka Zyrah M. Calda, 15 yrs old, taga 113 Daisy St. San Nicolas, Bacoor Cavite. Hihingi lang po sana ako ng tulong. Naaksidente po kase sya na nangyari sa harap ng gate ng Summerpointe, Imus Cavite along Daanghari na malapit sa SM Molino. Palabas po sya ng subdivision at patawid ng bigla na lang sya mabangga ng humaharurot na itim na kotse na minamaneho ng isang 17 anyos na binatilyo na nagsabi ng pangalan nya na James Malahito, taga Laguna, ayon sa nakasaksi na isang staff ng Gasolinahan na malapit sa pinangyarihan. Sinugod naman po agad sya ng mga taga barangay ng malaman ang aksidente at isinugod sya sa Metrosouth medical hospital sa may Molino Bacoor Cavite at dinala sa emergency ng ilang oras at pagkatapos ay dineretso sa ICU na umabot ng 12 araw. Nahuli naman po at sumuko ang nakaaksidente na dinala agad sa presinto subalit tanging Tiyahin o Nanay ng Girlfriend ng nakaaksidente ang humarap sa amin kasama ang Lola ng Pinsan ng nakaaksidente. Walang malapit na kapamilya ang humarap sa amin. Dahil sa tuliro na rin kame at tanging buhay ng kapatid ko lamang ang mahalaga para sa amin ay hindi na namin masyado naunawaan kung sino ba ang kaharap namin. Nagkasundo kame ng magkabilang panig na pirmado ng Nanay ko, ng nakabangga at ng Lola ng pinsan ng nakabangga na kaharap ang isang attorney na nagnonotaryo. Ngayon ay nakalabas na po ang kapatid ko sa ICU, subalit nakakaranas sya ngayon ng Heavy Traumatic Brain Injury. Kumakain ang kapatid ko sa tulong ng hose na nakadikit sa ilong ng kapatid ko, hindi sya makapagslita at hindi nya kame kilala na lalong mas nagpapabigat sa dinaranas namin ngayon subalit nananatili kame nakakapit sa ating Panginoon. Nagkaroon sya ng ubo ikatlong araw nya pa lang sa ICU at hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulunasan.Tumutulong naman po ang nakabangga ngunit ang kausap namin ay ang Nanay o Tita ng GF ng nakabangga. Sinubukan namin hingin yung impormasyon ng nakabangga at ng mga magulang at pamilya neto subalit natanggi sila. Paano po kaya ang gagawin namin upang mapilit namin na humarap sa amin ang pamilya ng nakabangga, hindi kung sino na hindi naman nya kaano ano. Hindi kase kame agad makapagdesisyon lalo na ang kumakausap sa amin,dahil lagi nya sinasabi na kelangan aprubahan muna ng pamilya ng nakabangga. Kaya lage nadedelay ang usapan, samantala buhay at kinabukasan ng kapatid namin ang pinaguusapan dito. Sana matulungan nyo po kame. Maraming salamat po!

    Lubos na gumagalang at umaasa sa mabilis nyo pagtugon.
    Jervy M. Calda

  5. Dear Atty. Acosta,

    May gusto lang ikonsulta sainyo may nabili kami lupa sa isang developer ng isang subdivision at isang taon ko sya hinulugan para makuha namin agad ang titolo. pero 3yrs na wala parin saaming pangalan yung titolo. sa ngayon ibinigay saamin yung titolo kaso nasa pangalan pa sya ng may ari at yung may ari ay matagal ng patay at meron sya pamangkin na tagapagmana pero hindi pa naililipat sa pangalan nya ang titolo. anong dapat namin gawin para malipat na sa pangalan namin ang titolo? at kami na mag aayos sa pagpapalipat.

    jross

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.