Nanghipo ng Suso ng Dalaga, Naghihimas na ng Rehas

NAGHIHIMAS NGAYON NG rehas na bakal ng kulungan ang isang manyak na lalaki makaraang panggigilan nito ang matambok ng suso ng isang babaeng estudyante sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Caloocan City Police Station ang suspek na si Jessie Olita, 41, binata, walang hanapbuhay at naninirahan sa # 73 Maria Clara ng nasabing lungsod.

Samantala, ang nagreklamo laban sa suspek ay nakilalang si Allysa Jane Lindio, dalaga, estudyante at residente ng # 243-B Luwalhati St., Barangay Manotok, Baesa, Quezon City.

Ayon kay PO2 Yvone Lamot, imbestigador ng Sub-Station 1 ng nasabing himpilan ng pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente sa harapan ng RJ Bus Terminal, malapit sa BMC, Brgy. 88.

Base sa reklamo ng biktima, kasalukuyan siyang naglalakad sa nasabing lugar kasama ng ilang kaibigan, biglang dumating ang suspek mula sa kanyang likuran.

Sinabi pa ng biktima, walang anumang salita ay biglang dinakma ng suspek ang kanyang dalawang suso na humantong upang magkaroon ng kaguluhan.

Sa puntong ito, ang nagaganap na kaguluhan ay nakatawag ng pansin kina PO2 Jonathan Alacre at PO1 Bryan Kitt Senolos, ng Caloocan PNP na nagresulta para agad na madakip ang suspek na si Olita.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong Acts of Lasciviouness in relation to RA 7610.

(ROMAN MAGPOC) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.