Nanghipo ng puwet, naghihimas na ng rehas

 

 

BAGSAK SA KULUNGAN ang isang binata matapos nitong hipuan sa puwet ang kalugar na dalagita habang ang una ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Naghihimas ngayon ng rehas na bakal sa detention cell ng Navotas police ang suspek na nakilalang si Filbert Carosca, 18, ng Blk. 22, Lot 11, Phase 1-B, Brgy. North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod at nahaharap sa kasong RA 7610 sa tanggapan ng Malabon-Navotas Prosecutor’s Office

Sa ulat ni P03 Belany Dizon, may hawak ng kaso ng Women’s Concerned and Protection Desk ng Navotas police, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Phase 1-B, Brgy. NBBS ng nasabing lungsod.

Sa reklamo ng biktimang si Joan (di-tunay na pangalan), 15, ng nasabing lugar, naglalakad ito pauwi sa kanilang bahay nang bigla na lamang siyang lapitan ng suspek at gigil na gigil na hinipuan ito ng puwet.

Tumakbo si Joan pauwi sa kanilang bahay at isinumbong sa kanyang ina ang ginawang panghihipo ng suspek.

Dahil dito, dumulog sa nasabing barangay ang mag-ina at inireklamo ang suspek na nagresutla sa agarang pagkakadakip sa suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.