Nanghipo na, ‘di pa nagbayad; 2 lasing, kalaboso

KULONG ANG DALAWANG Kelot matapos na hindi bayaran ang ininom na alak at manghipo pa ng isang babaeng costumer sa isang tindahan sa Navotas kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Gilbert Bando, 43, ng Bagbag, Quezon City at Edwin Peñaflor, 36 ng Dalag St., Navotas.

Sa ulat, ala-1 ng umaga, lasing na ang mga suspek bago nagpunta sa tindahan ni Pauline de Mesa sa Phase 2, Dagat-dagatan ng lungsod at umorder ng beer.

Nang singilin ay nagalit pa ang mga suspek kay De Mesa at hinipuan pa ang dibdib ng bumibili sa tindahan na si Anna Marie Sapalo, nasa hustong gulang na naging dahilan upang pumalag ang huli.

Agad na tumawag ng mga pulis si De Mesa na naging dahilan upang damputin ang mga suspek at dalhin sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.