Nanggulpi ng Driver; Collantes, Tanggalan ng Lisensiya – PISTON

UMAPELA ANG mga miyembro ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) sa Integrated Bar of the Philippines na tanggalan ng lisensiya si Attorney King George Leandro Antonio Collantes, anak ng kongresista ng lalawigan ng Batangas, dahil sa pambubugbog sa isang matandang jeepney driver kamakailan.

“Mariin naming kinokondena ang abugadong chief of staff at anak ni Batangas 3rd District Cong. Sonny Collantes na si Atty. King George Leandro Antonio Collantes sa ginawa niyang panggugulpi sa 66-anyos na senior citizen jeepney driver na si Orlando Garcia sa loob ng kanyang minamanehong pampasaherong jeepney,” ayon sa militanteng transport party-list group PISTON.

Ayon sa report, nangyari ang nasabing insidente noong Oktubre 29 sa Barangay Kapitolyo sa Pasig nang makunan ng video si Collantes na ginugulpi si Garcia sa harap mismo ng apo nito habang nakasakay sa jeep.

“Nagkakamali itong si Atty. Collantes kung inaakala niya na porke siya ay Chief-of-Staff ng kanyang amang si Congressman Collantes ay may lisensya na siyang maging maton at manggulpi ng karaniwang tao,” pahayag ni  PISTON national president George San Mateo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.