Nanggugulang sa tagayan, tinarakan ng kainuman

KRITIKAL ANG ISANG kelot matapos itong saksakin ng kanyang kainuman nang mainis ang huli sa una dahil sa pagiging magulang nito sa tagay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng tama ng saksak sa dibdib ang biktimang si Alex Guestiada, 35, ng Ubas St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad sa ikadarakip ng suspek na si Romeo Polendi, nasa hustong gulang, kalugar ng biktima, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar habang ang biktima at ang suspek ay nag-iinuman.

Makalipas ang ilang oras, napansin ni Polendi na mas nauna siyang nalasing kaysa kay Guestiada sa kabila ng sabay lamang silang uminom.

Napansin ng suspek ang pagi-ging magulang sa tagay ng biktima dahilan upang bunutin nito ang patalim at tinarakan si Guestiada saka tumakas. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.