Nanggigil si manoy sa loob ng bookstore… Mister inilabas ang ari at ikiniskis sa puwet ng ginang

KULUNGAN ANG KINABAGSAKAN ng isang mister nang hindi nito mapigilan ang kalibugan matapos nitong ilabas ang kanyang ari at ikiskis sa puwetan ng isang ginang na namimili sa loob ng bookstore sa isang mall kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Malabon City police at nahaharap sa  kasong Unjust Vexation sa tanggapan ng Malabon-Navotas Prosecutor’s office ang suspek na si Andy delos Angeles, 25, may-asawa, ng Block 57, Lot 17, Phase 3, F-2, Sabalo, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng National Bookstore sa Malabon City Square na matatagpuan sa C-4 Road, Phase 3, Dagat-dagatan, Malabon City.

Base sa reklamo ni Jacqueline Balagtas, 35, may-asawa, ng Block 9-H, Lot. 13, Dagat-dagatan, kasalukuyan siyang namimili ng mga gamit sa eskuwelahan ng kanyang mga anak sa loob ng National Bookstore, nang maramdaman niyang may matigas na bagay na tumutusok sa kanyang puwet.

At ng kanyang lingunin ay nakita nito ang suspek na nakalabas ang ari at ikinikiskis sa kanyang puwet. Dahil dito, agad siyang nagsisigaw at humingi ng tulong.

Hindi pa man tuluyan nilabasan si Delos Angeles ay agad itong dinakip ng mga security guard ng nasabing mall at dinala sa nasabing himpilan ng pulisya at sinampahan ng naturang kaso.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.