Nanggigil na lolo, dinaliri ang apo

 

MEYCAUAYAN CITY – NAHAHARAP ngayon sa kasong Rape in relation to Republic Act 7610 ang isang 63-anyos na lolo makaraang panggigilan ang apat na taong gulang nitong apo sa Brgy. Pajo sa nabanggit na lungsod kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na tinanggap ni Acting PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang inarestong suspek na si Reynaldo Gacutan residente sa nabanggit na barangay, samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Janice, 4 na taong gulang.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nadiskubre lamang ang kahalayan ni Lolo nang magsumbong sa kanyang tatay ang bata.

Nabatid na inirereklamo ni Janice ang  pananakit ng kanyang ari, kung saan positibo nitong itinuro ang kanyang lolo na  umano’y pilit na ipinasok ang daliri sa maselang bahagi ng katawan ng bata dakong alas-5 ng hapon.

Samantala, agad din namang nadakip si Lolo sa tulong ng mga barangay tanod na agad na nagresponde makaraang matanggap ang reklamo ng anak ng suspek.                   (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.