Nangako ng pabahay sa Farmville Pekeng NHA Officer, Tiklo

SAN JOSE DEL Monte  City – Hindi nagawang makatakas ng isang babae na nagpanggap na tauhan ng National Housing Authority at tauhan ni City Mayor Rey San Pedro, matapos mambiktima ng halos 20 katao na binentahan ng house and lot sa nabanggit na siyudad.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Marc Rivero kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Lovely Joy Dimalanta Y Rosal, 32 anyos, ng Blk. 37, Lot 4, Zone 7, Brgy. Gaya-Gaya sa lungsod na ito; samantala, kinilala naman ang apat sa 20 nagreklamo na sina Anita Abajero, 53; Adelina dela Torre, 45; Edna Eduardo, 53, isang vendor; at Lubrada dela Cruz, 62 anyos, kapwa residente ng Pabahay 2000 sa Brgy. Muzon.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-10 ng umaga nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng Civil Security Unit at ng mga pulis habang nakikipagtransaksyon sa bahay at lupa.

Nabatid na sumisingil ng halagang P50,000 sa bawat isang biktima ang suspek. Modus operandi ng suspek na ibigay agad ang isang susi, na aniya’y susi ng kinuha nilang unit ng bahay sa Farmville housing project.

Subalit natuklasan ito ng isa sa mga biktima na tanging susi lamang ng bahay ang kanilang binayaran, dahil ang Farmville Housing Project na tinutukoy ng suspek ay isang uri ng laro sa computer. Nahaharap ngayon ang suspek sa Large Scale Estafa dahil sa mahigit P300,000 na natangay nito sa mga biktima.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.