Nang sabihing ‘di type si P-Noy dahil napapanot na Francine Prieto, nagpapakatotoo lang!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun to the maximum authority of chikka at bonggang-bonggang eksenahan na naman ng yours truly.

Well, maloloka ka na naman sa Earth sa mga chikkang isi-share ko sa inyo at nakakawindang! Dahil itong si Francine Prieto, na naging talent ko dati, ay talaga naman nakakawindang ang sagot niya nang may nagtanong sa kanya kung bet or type niya ang ating presidenteng si P-Noy. Ang nakakalokang eksena na isinagot niya at mawiwindang ka ay wit daw dahil napapanot na raw ang lolo mo.

Naku, ‘te… konting paggalang naman. Pa’no naman kaya kung si President Noy ang tanungin na kung type ka? Baka naman nagpapakatotoo lang si Francine sa mga ganu’ng eksena. Nakakaloka, pero kahit nagpapakatotoo siya, sana naman inisip niya muna rin ang sinagot niya. Kasi nakakawalang respeto sa ating presidente. O baka naman naghahanap lang siya na pag-usapan siya dahil wala na siyang masyadong career ngayon.

Naku, ‘te… nakakawindang ang chikka, ‘noh?

 

DUMAKO NAMAN tayo sa talaga namang invited ako at talagang hindi naman ako nagdalawang-isip sa pelikulang pinanood ko, ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Super ganda pala ng palabas, lalo na ‘pag black and white, dahil makikita mo talaga ang tao. At take note, ang pinakamaganda pa du’n ay ‘yun ang premier night na talagang hindi ka naman magugutom, dahil mismong ang mga staff pa ng VIVA ang maghahatid sa ‘yo ng food. Nakakaloka!

Dapat talaga ‘pag may event ka, siguraduhin mong masa-satisfy ang mga iniimbitahan mo, hindi lang sa pelikulang pinapanood mo. At ang bonggang eksena pa rito at nakakalokang chikka, at last, na-meet ko na rin ang Superstar Nora Aunor. Kaya lang ‘di kami nakapag-usap dahil sa maraming tao.

Pero nang makausap ko nga ‘tong si Boy Palma, sinabi naman niya sa akin na nababasa pala ni Superstar ang mga write-ups ko sa kanya at nagpapasalamat siya at humihingi ng paumanhin na kaya hindi siya nakakasipot sa guesting n’ya sa radio show ko tuwing Linggo ay pumupunta pala siya sa kapatid niyang si Buboy.

 

BLIND ITEM: Nakakalokang more chikka naman ito isang sexy actress na kaya pala wala na sa showbiz industry ay wala nang masyadong career.

Kuntento na siya sa buhay niya dahil bongga na ang lifestyle niya, dahil hawak siya ng DOM. Hahaha! It means dirty old man… eeewww naman! Nakakadiri! Hahaha! Bongga, ‘di ba?

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

19 thoughts on “Nang sabihing ‘di type si P-Noy dahil napapanot na Francine Prieto, nagpapakatotoo lang!

  1. from what i know, IT IS KRIS AQUINO WHO PUSHED ABS-CBN TO GIVE FRANCINE A PROJECT bilang tulong dahil nga sa kanyang mother (may she rest in peace)… AT KAYA SYA NASAMA SA TELESERYENG KUNG TAYO’Y MAGKAKALAYO… correct me if im wrong po… FRANCINE… BITING THE HAND OF THE PERSON WHO FED YOU?? BAD MUCH…

  2. sa mga pinaggagawa ni abnoy, talagang di siya dapat nirerespeto.  ang di marunong gumalang di rin dapat iginagalang.  dapat sa beking panot, gumawa na lang ng bra sa Mondragon, na kaisa isang work experience niya bago siya bumutas ng silya sa kongreso at senado. lagot ka francine, mawawalan ka ng projects sa abs cbn niyan.  at baka ipahuli ka rin ni diktador abnoy panot.

  3. Pnoy is the president of the Philippines. He deserves respect even a little that we could give. It’s true h’es bald but Francine could have chosen better words for that. Sabi ng writer nagpapakatoto si Francine. Nagpapakatotoong ano? Bastos? Walang galang?

  4. Just remember too Francine na maraming kapamilya ang tumulong sa iyo in your time of need maski na tiga GMA 7 ka pa noong nangailangan ka ng tulong. Malaki ang utang ng dos sa pamilya ni Pnoy dahil ibinalik nila ang istasyon sa mga Lopez na kinuha ka para kumita naman maski konti ng kailangan mo ng tulong.. Where is your sense of gratitude. Don’t be an ingrate.

  5. OK lang ang magpakatotoo pero be discreet sa sasabihin mo. Huwag dapat makasakit ng tao. Konting respeto lang. What you did is a sign of ill breeding and ill manners. Wala sigurong nagturo sa iyo.

  6. magpaka22o naman tyo wla namang masama doon pero kailangan tanggapin at tsaka wla namang ibig sabihin gano din naman si kris kung magsalita ng katotohanan kaya wlka ng pusong mamon….

  7. kung ang isang babae ba eh marumi ang trabaho at mababa ang lipad, ipapamukha mo un sa kanya dahil nagpapakatotoo ka , ha Francine? tignan mo muna ang sarili mo at mukha kang wala talagang breeding at pinag aralan. hindi lahat ng pagpapakatotoo eh tama, common sense and mutual respect do matter.

  8. And to think na isa si Kris Aquino sa tumulong sa kanya na magkaroon ng work sa ABS. May mga bagay na kahit totoo ay di na dapat sinasabi.

  9. Francine, hindi masamang magpakatotoo pero mas mainam ang matutong rumespeto lalo na sa isang Pangulo. Itweet kaya ng mga taong ayaw sa iyo dahil isa kang dambuhala at mababang uri ng babae? di ba nagpapakatotoo lng sila?

  10. May blind item din noon na nag break daw sila ni Bobbie Yan ba yong boyfriend nya dahil grabe daw ito mag-aaway ang dalawa doon sa radio program nila, magsigawan at very wild daw itong dalawa kung mag away, malakas din daw ang sigawan. Hayyyy sayang kung totoo man ito, ang ganda pa naman ng mukha ni Francine, pero yong boobs niya parang boobs na nang may isang dosenang anak. Sana ipaayos niya yon kasi masagwa na tingnan. Just telling the truth about her boobs.

  11. Ito ba si Francine ang tinulungan sa mga artista sa lahat ng Network noong nagkaproblema ito sa pera dahil sa sakit ng ina? Parang naala ala ko ito . At di ba may scandal doon sa perang na receive nya dahil parang may blind item na nalungkot daw yong ibang nagbigay ng malaki kasi parang nakita daw itong nagshopping pagkatapos naka receive ng pera. Sabi pa nga ng ibang artista daw na kung nagkaproblema daw sa pera sana naging discreet na lang sa pag shopping. Di ba namatay ang mother nya?

  12. ang lakas naman ng hangin ng babaeng toh…. kala nya naman papatulan din xi ni noynoy…. hahahaha…. wah na rin toh karir kaya naghahanap ng paraan para mapagusapan…. magtinda ka na lang ng mga kaldero teh gaya ng ginagawa dati ni anabil drama….

Leave a Reply

Your email address will not be published.