Nang-Rape sa Patay, Pinakukulong at Pinagmumulta ni CGMA

ISINUSULONG NI da-ting pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na magkaroon ng mas mabigat na parusa at ideklarang heinous crime ang necrophilia o panghahalay sa patay.

Base sa House Bill 1375 na inihain ni Arroyo, makakasama sa kasong ito ang anumang pamamaraan ng sexual intercourse, anal o kahit oral sex sa isang yumao.

Tinukoy rin ng kongresista ang panggagahasa sa patay na isa sa karumal-dumal na maaaring magawa ng tao kaya nararapat itong patawan ng mabigat na kaparusahan.

Ang mapapatunayang guilty sa necrophilia ay maaaring makulong ng 15 taon at mapagmumulta ng hanggang P100,000 hanggang kalahating milyon o depende sa kapasyahan ng may hawak na hukuman.

Samantala, kasama ni Congw. Arroyo bilang author ng nasabing panukala si Camarines Sur Rep. Dato Arroyo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.