Nang-Rape ng 8-anyos Binatilyo, Bugbog-Sarado

NAGHIHIMAS NA ng malamig na rehas sa Butuan City Police Station 1 ang isang 16-anyos na binatil-yong taga-Brgy. San Vicente sa nasabing lungsod ng Agusan del Norte matapos mahuli ng taong-bayan sa labas ng sementeryo, kung saan nito dinala ang walong taong gulang na batang babae na kanyang pinagsamantalahan.

Aminado naman ang suspek na sumama lamang ang biktima sa kanya dahil lumayas ito mula sa kanyang ina.

Inamin din ng suspek na unang sumama ang bata sa kanyang kaibigang bading na si Efren bago nito nakilala at dinala sa sementeryo kung saan doon niya hinalay.

Nang makita sila ng mga residente paglabas mula sa sementeryo at nakitang mahina na ang bata ay dito na siya pinagtulu-ngang bugbugin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.