Nang Mabaril si Mayor:
Mga Opisyal na May Death Threat, Lumutang sa Ilocos Norte

LUMILITAW NA hindi lang iisa kundi may iba pang opisyal sa Ilocos Norte ang may mga banta sa kanilang buhay.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Mayor Balintona ng Sarrat, Ilocos Norte na may banta sa kanyang buhay kung saan lumitaw rin na may pagbabanta ring natatanggap ang mag-inang mayor at vice-mayor ng Currimao, Ilocos Norte na sina Gladys Que at Rosario Go.

Dahil dito, inalerto ang buong puwersa ng kapulisan sa Sarrat at sa Currimao dahil sa mga nabanggit na impormasyon.

Samantala, humi-hingi na rin ng security ang mga opisyal na may death threat at lalo pang dinoble ang kanilang ginawang pag-iingat.

Matatandaan na binaril si Mayor Salvador Pillos ng Marcos, Ilocos Norte ng dalawang riding-in-tandem suspect.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.