Nang lumaya ang puso ni Tonton

Kung may isang aktor na talagang tumatak sa isipan ko, si Tonton Gutierrez ito. Akalain n’yo na limang taong gulang pa lang ako, napanood ko na siyang umiyak at mag-drama sa nakaaaantig naman talagang pelikulang Nakagapos na Puso.

Well, hindi na ‘yun nakapagtataka dahil nasa dugo naman talaga ni Tonton ang pag-aartista. Siya lang naman ang anak ng magaling na aktres na si Liza Lorena at ang matinee idol n’un na si Eddie Gutierrez na asawa ngayon ng talent manager na si Annabelle Rama. Madalas siya noong leading man ng iba’t ibang Viva babies lalo na ng Megastar Sharon Cuneta.

Alam n’yo bang naging mag-dyowa sina Tonton at Maricel Laxa, na asawa ngayon ni Anthony Pangilinan? Oo, churva nga ni Miss Liza, sobrang affected daw itong si Tonton sa paghihiwalay nila ni Maricel at medyo natagalan bago siya muling umibig. Matapos mawala sa pagkakagapos ang kanyang puso, muli itong tumibok para sa sexy star noon at napakagandang si Glydel Mercado. Nag-isang dibdib sila noong Marso 15, 2004 matapos ang halos anim na taon ring pagiging mag-syota at mga isang taon na pagsasama under one roof.

Isinilang ang kanyang lovely daughter na si Anneza Jhulia noong Huloy 19, 2004 at wala pa raw silang planong sundan ito. Alam n’yo ba na ang pangalan ni Anneza, eh,kumbinasyon ng pangalan nilang mag-asawa na Antonio at Flordeliza (ang totoong pangalan ni Glydel)? At alam n’yo rin ba na isang Marian devotee si Tonton, kasama ang kanyang asawa at kung saan-saan pa nga sila nakakarating para lang ipakita ang debosyon kay Maria?

Ngayong hindi siya ganoon kaaktibo sa pelikula, madalas naman nating mapanood si Tonton sa mga serye sa telebisyon, at ang latest nga riyan, ang May Bukas Pa kasama si Santino.

O, siya, kita n’yo naman…nang lumaya ang puso ni Tonton, tone-toneladang blessings pa ang natamo niya. At sa kabila ng bisi-bisihang sked niya, eto at may time pa rin siya with his daughter Anniza. Kaya kung idol at idol din lang sa aktingan ang hanap n’yo, plus ulirang ama rin sa kanyang anak, don’t forget the name Tonton Gutierrez, ha?

Ni Mayin de los Santos
Photos by Mark Atienza

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.