Nang-agaw ng Higaan, Pinaputok ang Ulo

PUTOK ANG ulo ng isang lalaki matapos pukpukin ng bote ng alak ng may-ari ng higaan na tinulugan ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Rodolfo Mijia, 39, ng Alley 1, Baesa ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Joselito Mijarito, nasa hustong gulang ng Bulacan.

Sa ulat, alas-7 ng gabi, matutulog na ang nakainom na suspek sa harap ng Gotesco Grand Central sa Monumento nang makitang natutulog na ang biktima sa higaan ni Mijarito.

Nabuwisit ang suspek at walang salitang pinukpok ng bote ng alak ang ulo ng biktima na naging dahilan upang dumugo.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa Diosdado Macapagal Memorial Medical Center upang gamutin ang ulo.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.