Sugod Shooting: Nandito Ako, dadalhin ng mga beterano


Dinirek ni Maryo J. de los Reyes ang unang solo movie ng teen Kapuso loveteam na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal (Al-Kris). In fairness, napakaganda ng location ng movie dahil shinoot pa talaga ito sa Bohol, home of The Chocolate Hills at ng tarsier. Aminin naman nating hilaw pa ang Al-Kris loveteam pagdating sa talento, kaya naman good move na kuhanin ang mga magagaling na betero tulad nina Ana Capri, Julio Diaz at Lloyd Samartino. Sa trailer pa lang, nakita na natin ang galing nina Ana Capri at Lloyd Samartino sa pagiging mga magulang nina Aljur at Baron Geisler. Kaya good luck na lang sa Regal Films sa pag-invest nila ng malaking pera para sa Al-Kris loveteam huh! Kailan kaya nila maaabot ang level ng Kimerald?!

By Faith Salazar, Photos by Luz Candaba

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.