Nandakot ng ari ng dalaga Manyak na obrero, kalaboso

REHAS NA BAKAL ngayon ang hinihimas ng isang obrero matapos itong hulihin ng mga awtoridad makaraang ireklamo ito ng isang dalaga nang dakutin nito ang ari ng huli sa loob ng isang mall kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na nakilalang si Joemel Corpuz, 27, tubong-Pangasinan, stay-in construction worker sa Acacia, Malabon City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Victory Central Mall na matatagpuan sa Rizal Avenue, Monumento Caloocan City.

Ayon sa biktimang si Joan (di-tunay na pangalan), 19, ng Caloocan City, nakasalubong nito sa loob ng naturang mall ang suspek nang bigla na lamang dakutin ni Corpuz ang kanyang ari at dibdib.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong si Joan sa mga awtoridad na nagresulta ng pagkakadakip sa suspek.

Aminado naman si Corpuz sa kanyang nagawa at sinabi nitong dala lamang ng kalasingan dulot ng alak kung kaya’t hindi nito sadyang mabastos ang biktima. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.