Nanay ni Rica Peralejo, payag nang pakawalan ang anak!

SUCCESSFUL ANG WORLD Bazaar ng ABS-CBN at Worldbex sa World Trade Center nang magbukas ito noong Biyernes ng umaga. Dumalo ang napakaraming Kapamilya stars lalo na ‘yung may mga stalls na kinuha tulad nila Nene Tamayo, Miguel Mendoza, Cris Pastor, Judy Ann Santos at Donita Rose.

Kahati ni Donita sa kanyang stall ang kasamahan niya sa Umagang Kay Ganda na si Rica Peralejo. Dinumog ng mga tao ang kanilang mga paninda na halos ay mga “unused” clothings ng dalawa. May mga tag price pa ang mga ito at ayon na rin kay Rica, “’Yung iba d’yan hindi ko pa halos nagamit. Pero meron din namang isang beses ko pa lang nagamit. Saka binenta ko na rin ‘yung iba ko pang mga gamit na nakuha o binili ko dati sa mga out of the country shows namin.” Kuwento ng TV host actress.

Kasama ni Rica na tumutulong sa kanya ang kanyang ina na si Mommy Alice at du’n na kami nagkaroon ng pagkakataon na matanong ang kanyang nanay kung ‘game’ na ba siyang pakawalan o ibigay si Rica sa fiance nito? Matatandaan kasi sa mga huling interview kay Rica, sinabi nito na medyo hindi pa “emotionally-ready” ang kanyang ina na mawala siya sa tabi nito. Nasanay na rin siguro sila sa kanilang tandem na kahit saang bagay, e, magkasama ang dalawa.

“Ay, oo naman! Ready na ako!” sambit ni Mommy Alice. Mukhang masaya at mukhang ready na nga siya na magpakasal na si Rica. Malapit na raw matapos ang lahat ng preparasyon nina Rica at boyfriend na pastor. At next year na nga ang nakatakdang kasal.

Si PBB Housemate season 1 big winner na si Nene Tamayo naman e busy’ng busy rin sa kanyang pagbebenta ng mga bags, relos, wallets at laptop bags. Ito raw ang paraan ni Nene para kumita ng extra dahil medyo matumal nga ang mga guestings nito sa TV. “Pang-seventh year na namin ito dito sa Worldbex at sobrang tuwang-tuwa kami. April pa lang nagpa-reserve na kami kasi alam naming dinadagsa talaga ito ng mga tao.” Paliwanag ni Nene.

Hindi pa rin mamatay-matay ang intrigang hiwalay na raw sila ng kanyang asawang dancer. May mga nakarating at kumalat kasing balita na may kasama na raw ibang babae ang kanyang asawa.

Paliwanag ni Nene, “’Yung nakitang kasama niya, e, client niya ‘yun. Saka hindi naman ako nagseselos. Trabaho niya ‘yun.”

Masaya raw sila ngayon ng kanyang pamilya. Dapat daw, magpa-Pasko sila sa Hongkong Disneyland kasama ang kanilang bagets pero dahil medyo maraming trabaho at medyo tight nang konti ang budget, ipinagpaliban na muna raw nila ito.

loading...

3 thoughts on “Nanay ni Rica Peralejo, payag nang pakawalan ang anak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.