Nanay ni Daniel Padilla, ‘di pa nagbabayad ng malaking utang kay Arnell Ignacio?!

LAKING GULAT ng magaling an Host/Comedian na si Arnell Ignacio ng kumalat ang diumano’y utang sa kanya ng butihing ina ni Daniel Padilla na si Karla Estarda.

Tsika nga ni Arnell, “Naku, ano ba ‘yan?! Sa’n ba galing ‘yang balita na ‘yan? Magkaibigan kami ni Karla, matagal na utang na ‘yan, nag-usap na kami ni Karla.

“Nu’ng lumabas nga ‘yan, tinawagan ko agad siya. Kasi baka isipin niya, ako ang nagkakalat. Inaanak ko si Daniel, kaya ‘di namin pinag-uusapan ‘yung tungkol sa mga utang-utang .

“Tawa nga kami nang tawa ni Karla. Hindi big issue sa amin ‘yung mga gano’ng issue. Kaya nga ayokong magsalita about that, kasi okey naman kami ni Karla.

“Ayaw kong lumaki pa ang issue ng tungkol sa utang na ‘yan, dahil okey na ang lahat. Nag-usap na kami ni Karla, kaya ayoko nang mag salita pa tungkol d’yan. Pag-usapan na lang natin ang pelikula kong I Love U, Pare ko na magkakaroon ng premiere night sa Feb. 5 sa Megamall at regular showing sa Feb. 6. Hahaha!” Pagtatapos ni Arnell Ignacio.

 

MARAMI NANG nag-aabang sa coffeetable book ng Master Showman himself at King of Late Night Show na si German ‘Kuya Germs’ Moreno, kasabay ng kanyang selebrasyon sa kanyang 50th year sa showbiz na gagawin sa Performing Arts Theater ng Resorts World.

Sa nasabing coffeetable book daw mababasa kung papano nagsimula sa showbiz ang isang Kuya Germs at ang mga masasaya at heartaches na pinagdaan nito. Habang inaabangan naman ng mga kapatid sa panulat kung masusulat ba rito at isasama ang mga pangalan ng mga taong umapi at nagtanggal ng mga shows ni Kuya Germs nu’ng kasagsagan na talaga namang tinatangkilik ng mga tao ang kanyang mga shows na GMA Supershow, That’s Entertainment, atbp. ‘Yan ang ating aabangan.

Pero paniguradong uulan ng mga malalaki at mga bagong sibol na bituin ang selebrasyon na ito. Lalo na’t isa si Kuya Germs sa mga well-loved showbiz celebrity sa bansa ng mga baguhan at senior stars, at maging ng mga taga-pulitika.

 

MATAGUMPAY ANG katatapos na Mr. & Ms. Olive C Campus Model Search 2013 na ginanap sa AFP Theater last Feb. 2, kung saan nagwagi ang pambato ng Holy Cross of Davao College Inc. (Davao) na si Joefel Alas bilang Mr. Olive C at Ms. Olive C naman si Chelsea Samantha Starling ng Child Jesus of Prague.

2nd runners-up naman sina Maria Cassandra Yu ng University of San Carlos Cebu at Lyrey Campos ng Velez College Cebu; at 1st runners-up naman sina Nathaniel Tiu ng Cebu Institute of Technology at Christia Gail Ocampo ng Assumption College.

Ilan sa tumayong hurado ng gabing iyon ang Mr. Manhunt International 2012 na si June Macasaet, Ms Earth-Air Stephany Stefanowitz, most sought-after print and commercial model and Kapuso Tweenstar Teejay Marquez, at ang President/ CEO of Psalmstre makers of New Placenta, Olive C, atbp. na si Sir Jaime Acosta.

Naging espesyal na panauhin naman ang Look Of The Year 2011 na si Jea-Anne Finuliar, UPGRADE na talaga namang tinitilian ng mga kabataang nanood ng gabing iyon, at last year’s contestants of Mr. & Ms Olive C Campus Model Search, hosted by Jeanne Harn and Carlo Galang.

Dumalo rin ang last year’s winners na sina John Lucas na isa nang certified Kapamilya talent at si Rohama Rearte para iputong ang korona sa bagong hirang na Mr. & Ms. Olive C Campus Model Search 2013.

  John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Nanay ni Daniel Padilla, ‘di pa nagbabayad ng malaking utang kay Arnell Ignacio?!

  1. dinadamay pa ng writer na ito si daniel padilla eh wala namang kinalaman yung tao sa isyung gawa-gawa lang niya haha!

  2. at talagang kailangan pang i-drag ang pangalan ni daniel padilla na walang kamuwang muwang sa issue ng nanay niya, bakit hindi na lang pangalan ni karla estrada ang ilagay at kailangan pa sabihing nanay ni daniel padilla, bakit…dahil sikat ang bata?

Leave a Reply

Your email address will not be published.