Nanay ni Charice, wish ang katahimikan ngayong Pasko: “Sana pinatay na lang nila ako.”

Raquel-Pempengco-CharicePUNO NG hinanakit ang damdamin ni Raquel Pempengco ngayong Kapaskuhan sa panayam ng TV5 talk show na Showbiz Police, last December 21.

Para sa ina ni Charice, ang anak at ang inang si Tess Relucio ang nagsisilbing tinik sa kanyang puso ngayon. Ayon sa kanya, “Siguro, kung nasaan man ako ngayon, siguro iisipin ko na sana nasa heaven na ako ngayon. Dahil mas mabuti sanang pinatay na nila akong dalawa, kaysa ako ang pinahihirapan nila sa gitna. Dahil, pareho silang kadugo ko na nagbibigay ng sakit at sugat sa puso ko.”

Mensahe nga niya kay Charice, “Katahimikan. Kung siya’y masaya na sa piling ni Alyssa (Quijano), huwag niya nang banggitin pa ang pangalan ko.”

Para naman sa inang si Tess: “Itong Christmas na ito, siguro bigyan ako ng peace of mind ni Nanay. Kasi alam naman ni Nanay na lahat na ng paraan ginawa ko na. Kung may kulang man, hindi ko na kayang ibigay, dahil ‘yun lang ang kaya ko.”

Matatandaang isiniwalat ng Lola Tess ni Charice sa nasabi ring show ang diumano’y tangkang pagpapakamatay ng international singing star. Naging usap-usapan ito, ‘di lang sa bansa kundi maging sa ibang panig ng mundo. Usapin sa pera ang sinasabing dahilan ang suicide attempt diumano ni Charice.

Itinanggi na ni Charice ang nasabing isyu. Maging si Mommy Raquel, hindi naniniwalang magagawa ng anak ang magpakamatay. “Hindi. Hindi ako naniniwala. Kilala ko si Charice. Kahit na medyo may gap kami, alam ko naman ang kapasidad ng kanyang lakas at pag-iisip. Hindi totoong naglaslas si Charice.”

May hinanakit si Mommy Raquel na mismong sa ina niyang si Tess nanggaling ang pahayag tungkol sa suicide attempt. “Nagtatanong ako kay tatay, tinanong ko si Tatay. ‘Tatay, ano pa ang kulang? Ibinigay ko na lahat, ano pa ang kulang?’ Para ungkatin ‘yang ganyang mga bagay, para siraan na naman ako. ‘Ibinigay ko na sa inyo, inilalagay ko kayo sa maayos, pero ano pa ang kulang?”

Nagkaroon naman ng malaking gap kina Mommy Raquel at Charice noong inamin ni Charice na isa siyang tomboy.

Inamin naman ni Mommy Raquel na ginusto niya talagang magtago, matapos ding magpa-interbyu at amining naging tomboy rin siya noong kabataan niya, pero na-overcome naman daw niya.

“Gusto ko talagang magtago, gusto ko. Kung tutuusin, gusto kong lumayo. Pakiramdam ko, ako lahat ang sinisisi ng mga tao. Minsan nga, sabi nila dapat ako na lang… nawala na lang ako. Maglaho kaya ako? Kaya lang, siyempre, minsan nagbibigay lakas sa akin yung isa ko pang anak (Carl, busing kapatid ni Charice), kung hindi ako kailangan ni Charice.”

Sinagot naman ni Mommy Raquel ang paratang na siya raw ang dahilan ng pagkaubos ng pera ng anak. “Pagdating sa pera ni Charice, wala akong idea, kasi hawak niya ‘yun, eh. Hindi ko na alam mula nang 2010 kung magkano pa ang laman ng pera niya sa bangko. Hindi ako ang may hawak, dahil si Charice, may sariling business account sa America. Diretso sa account niya.”

Inamin naman ni Mommy Raquel na ibinenta niya ang bahay sa Tagaytay na iniregalo sa kanya ni Charice. “Kailangan, eh. Kailangan ko nang pagkakakitaan as soon as possible, dahil kung hihintayin ko pa ang taon, nakatunganga ako.”

By Pinoy Parazzi

loading...

5 thoughts on “Nanay ni Charice, wish ang katahimikan ngayong Pasko: “Sana pinatay na lang nila ako.”

  1. sobrang drama nya. kung talagang naghihirap sya di nag pakamatay na lang sya kesa sa mag press release. Masama ang loob dahil hindi nya na puedeng gatasan si Charice at kailangan cyang bumalik sa HongKong bilang isang DH!

  2. Kawawa naman nanay ni Charice, dapat magpakumbaba si Charice at puntahan nanay nya, dapat sya na ang sumuyo at lumapit sa nanay nya kahit may tampo pa ito sa kanya, ang nanay ay nanay talaga at tayong mga anak ang palaging magpapakumbaba sa kanila kahit meron man silang sabihin na nating pagkakamali rin. Yun ang utos sa bibliya. Sana patuloy nya lang pakitaan ng maganda at suyuin si ermat kahit hindi ka pa tanggap ngayon. Hindi mo rin ksi masisi si ermat. Makakakita at maaari ng magbago bago ng jowa pero ang isang Ina iisa lang yan sa mundo pag wala na sila saka natin marerelialize ang importance nila.

  3. kawawa din ang mg-inang to…kung kelan sumikat c charice ska nman ngkagulo-gulo ang buhay nila…sumasali paung lola sa gulo nila…isa na nman itong halimbawa nadi kyang ibigay ng salapi at kasikatan ang kaligayan ng tao…mas mabuti panung dipa sikat c charice mas masaya pa ata cla noon…

  4. Pingback: Nanay ni Charice, wish ang katahimikan ngayong Pasko: “Sana pinatay na lang nila ako.” - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.