Nanay, abala sa panonood ng teleserye
Special Child, Nalunod

LABIS NA pagsisisi ang dinaranas ng isang ina ngayon makaraang mapabayaan ang apat na taong gulang na anak na babae na nalunod sa patubig habang abala siya sa panonood ng paboritong telenovela sa telebisyon sa bayan ng Cordon, Isabela.

Kinilala ang biktimang si Rica Mae Madronio y Hacusalem ng Brgy. Turod Sur.

Sa ulat ng Isabela Provincial Police Office, hindi namalayan ng ina ng batang may sakit na polio at special child pa ang paggapang ng biktima patungong patubig at huli na nang makitang tinangay ito ng agos.

Naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi kung kalian abala sa panonood ng telenovela sa telebisyon ang ina nito.

Inamin pa ng ina na itinago sa pangalang Lydia na kanya lamang naalalang wala sa tabi ang anak nang mag-commercial kaya nang baybayin ang kanal hanggang dalawang kilometro ang layo sa kanilang tinitirhan ay nakita ang bangkay ng bata.

 (E. CALMA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.