Nananahimik na magaling na aktres, laman ng casino sa Pampanga?! – Gorgy’s Park

Dumating na nu’ng nakaraang Huwebes ang dating asawa ni Robin Padilla na si Liezel Sicangco kasama ng tatlo nilang anak na sina Queenie, Kylie at Ali. Sinamahan lang daw ni Liezel ang mga anak nila dahil gusto nilang maki-celebrate sa kaarawan ng kanilang ama kahapon.

Ilang beses naming kinukulit ang manager ni Robin na interbyuhin si Liezel pero tumanggi ito. Hindi raw ito magpapa-interview dahil ayaw din nitong pag-usapan ang kanilang hiwalayan.

Wala siyang balak na sagutin kung totoong nagpakasal na ba ito sa ibang lalaki sa Australia at kung totoong siya nga ba ang nakipaghiwalay kay Robin.

Kahit si Robin ay tumatanggi ring magsalita sa ngayon dahil may mga endorsement itong kailangang protektahan.

Nanahimik na ito pagkatapos niyang aminin ang hiwalayan kay Ricky Lo.

Isa sa mga araw na ito ay magsasalita rin daw si Robin pero marami pa raw silang pag-uusapan ni Liezel lalo na’t tungkol sa kanilang mga anak.

TOTOO KAYANG LAMAN daw ng casino sa Pampanga itong magaling na aktres na nanahimik sandali at hindi muna nagtrabaho? Kung dagdagan ko pa ng clue, tiyak na bigay na bigay na at baka sugurin ako ng nanay nito.

Hindi lang ako ang nakarinig ng kuwentong ito kundi marami at isa rin ako sa tinanong kung totoo nga ba ito.

Ang problema, wala namang trabaho ang aktres na ito kaya paano niya name-maintain ang pagsusugal sa casino?

May pinagdaraanan ang aktres na ito kung totoo mang nagbababad lang pala siya sa casino, parang hindi yata ito sagot para malutas kung ano mang problema ang hinaharap nito sa ngayon.

Ang isa sa nakakaawa ay ang ina nito dahil todo-suporta na nga ito sa lahat na ginagawa ng anak niya pero napupunta lang sa wala.

Kung totoo nga ang narinig naming kuwento, sana matigil na dahil baka hindi na nito kayanin kung sakaling magising siya isang araw na wala na siyang pera, wala pa rin siyang trabaho.

KASISIMULA PA LANG ng Starstruck 5 sa GMA-7 pero exciting na ito lalo na’t kung Linggo, kung saan nagtatanggal na sila ng mga contenders para maging final 14.

Nu’ng nakaraang Linggo ay nagbawas ng sampu ang top 30 pero dumating naman ang walong contenders galing sa iba’t-ibang bansa gaya ng Japan, Singapore, Middle East at Amerika.

Marami pa silang pagdaraanang test bago umabot sa pagpili ng final 14 kaya lalong naging exciting ito.

Maganda ang line-up ngayon ng mga sumali sa Starstruck 5 kaya pahirapan talagang pumili kung sino ang tatanggalin.

Kilala na namin ang karamihan sa kanila at interesting ang kuwento ng kanilang buhay.

Ngayon pa lang ay may mga kontrobersiya nang nakakabit sa kanila kaya tiyak na pag-uusapan ito.

Araw-araw ay merong update ang Starstruck na tinawag nilang Starstruck Shoutout na mapapanood bago mag-Family Feud at ihu-host nina Mark Herras, LJ Reyes, Arci Muñoz at Paulo Avelino.

Pero pagdating ng Sabado at Linggo, ang regular hosts na sina Raymond Gutierrez, Dennis Trilo at Carla Abellana ang mapapanood.

Abangan na lang ang iba’t ibang twist na mapapanood sa original talent/reality search.

By Gorgy’s Park

loading...

4 thoughts on “Nananahimik na magaling na aktres, laman ng casino sa Pampanga?! – Gorgy’s Park

  1. PAALALA! MGA KABABAYAN, KUNG MAY MGA IMPORTANTING DOKUMENTO (AUTHENTICATED LEGAL PAPERS), WAG NYO NA PO IPADALA VIA “LBC”. KINUKUHA PO NILA ANG IYON AT ONE DAY MAY TATAWAG SAU NA SASABIHING NAIWALA ANG DOKUMENTO. THEN, HINDI MAN LANG NILA BABAYARAN UNG NAWALANG DOKUMENTO.. THIS IS PERSONAL EXPERIENCE IN THE “LBC COMPANY”. I LOST ALL MY ORIGINAL UNIVERSITY DOCUMENTS AND THE DFA AUTHENTICATED DOCZ…HINDI ITO PANINIRA BAGKUS ITO AY PAALALA PARA WALA NA SILA MALOKO PANG IBANG TAO….THANKZ.

  2. tama, si sunshine dizon yan. adik siya ngayon sa casino at pagba bar, naghohost sya sa mga party sa bar. nakikitira sia sa mga frends niya at sa bf nya. muka naman siyang masaya, hindi yanmawalan ng pera kasi madatung ang daddy nya.

  3. Kawawa naman si Sunshine Dizon. Sana, gumising na siya sa kahibangan niya. Hindi pa huli. Maganda pa naman siya at magaling na aktres. Naaliw ako sa Bakekang niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.