Nanampal ng Paslit, Kinasuhan ng Child Abuse

NAHAHARAP NGAYON SA kasong paglabag sa R.A. 7610 o Anti-Child Abuse Law ang isang hinihinalang drug user matapos na sampalin nito ang 9-anyos na kapit-bahay kamakalawa sa Pasig City.

Halos nanginginig pa sa takot nang magtungo sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Pasig City Police ang biktima na itinago sa pangalang JR, grade 4 pupil, na sinamahan ng kanyang ina para ireklamo si Danilo Carlos, nasa hustong gulang, residente ng Velasco Ave., Brgy. Pinagbuhatan ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO1 Marian Dayap, ng WCPD, kasalukuyang naglalaro sa labas ng kanilang bahay ang bata nang bigla umanong lapitan ito ng suspek at tinanong kung kanino itong anak.

Ayon pa sa biktima, nang hindi agad ito nakasagot ay sinampal ito ng suspek sa kaliwang pisngi na halos ikawala ng kanyang ulirat at umiyak na lamang papauwi sa kanilang bahay.

Pinaghinalaan umano ng suspek na ang biktima ang tumulak naman sa anak nito kung kaya siya sinampal, na mariin namang itinanggi ng huli.

Hinala pa ng pulisya, ang suspek ay isang drug user dahil sa maging ang batang paslit ay hindi na nito igina-lang.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.