Nanalo sa Sabong, Todas sa ‘Di Nabalatuhan

TODAS ANG isang lalaki nanalo sa sabong matapos saksakin ng kalugar na hindi nabigyan ng balato habang nag-iinuman sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Leo Bellosillo, 43, ng Salmon St., ng lungsod.

Nadakip naman si Virgilio Dela Cruz, 23 at kalugar ng biktima.

Lumalabas na nanalo sa sabong ang biktima kung saan agad na humingi ng balato ang suspek at dahil sa buo ang pera ay hindi agad nabigyan.

Nawala ang biktima na naging dahilan upang umuwi ang suspek at alas-4:15 ng hapon ay nakita ng huli na nagpapainom na ang una.

Inaya ng biktima ang suspek na makipag-inuman at makalipas ang ilang oras ay malagihay na ang una at inungkat ang hinihinging balato sa huli.

Sinabi ng biktima na iniinom na ng suspek ang dapat na balato na ikinagalit ng huli bago nagbunot ng patalim at tinarakan ang una bago tumakas.

Dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.