Nanakit sa asawa
Bumbay at Kabit, Nagsama sa Selda

MAGKASAMANG DINALA sa presinto ang mister na Indian national at kalaguyo nito matapos saktan ng una ang asawa habang pinagmumura naman ng kalaguyo ang anak na dalaga ng mag-asawa sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Amrik Singh, 42; at Josephine Aspe, 43, magkapitbahay sa Annville, Maysan ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Judy Kaur, 42, alas-4 ng umaga, umuwi sa kanilang bahay sa nasabing lugar ang suspek at inaway siya dahil gusto ng ginang na lumipat ng ibang bahay at magsama ng isa sa kanilang driver upang may maghatid sa eskuwelahan sa kanilang mga anak.

Hindi pumayag ang mister hanggang sa saktan ang asawa habang humingi naman ng tulong ang kanilang anak na dalaga na si Harpeet Kaur kay Aspe na malapit lang sa kanilang bahay nakatira.

Sa halip na tulungan ay pinagmumura pa umano ni Aspe ang dalaga na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga barangay tanod.

Nang respondehan ay saka pa lamang naawat ang pananakit ni mister sa asawa na naging dahilang upang dalhin sa presinto ang mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.