Nambulyaw sa Nagrarambol, Tinigok

TIGOK ANG isang mister matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek nang magising at bulyawan ng una ang mga hindi pa kilalang mga lalaki na nagrarambulan sa tapat ng bahay ng biktima sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Rosendo Doriano, 28, ng KKK ng lungsod.

Sa ulat, alas-3:30 ng umaga, nagising ang biktima dahil sa ingay ng mga nagrarambulan sa tapat ng kanilang bahay.

Lumabas ang biktima at binulyawan ang mga nagrarambulan na naging dahilan upang paputukan ng hindi pa kilalang suspek.

Matapos ang insidente ay nagkalasan na ang mga nagrarambulan habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

Inaalam na ng mga pulis ang mga pangalan ng mga nagrarambulan upang makilala ang suspek.    (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.