Nambugbog, nabuking na matagal nang wanted

ARESTADO ANG isang lalaki na limang taon nang pinaghahanap ng batas makaraang ireklamo ng pambubugbog ng kanyang ka-live in sa bayan ng Bacnotan, La Union.

Kinilala ang inaresto na si Wilson Carganilla, residente ng Barangay San Martin, bayan ng Bacnotan, matapos isumbong sa pulisya ng kanyang 41-anyos na kinakasama.

Si Carganilla ay may kasong murder sa Baguio City at hindi madakip dahil nanirahan na ito sa La Union.

Nabatid na may warrant of arrest ang suspek na inilabas ng korte noon pang May 23, 2007 dahil sa kasong Frustrated Murder at Murder.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.