Namboso ng dalagang naliligo, kalaboso

 

KULUNGAN ANG KINABAGSAKAN ng isang lalaki matapos bosohan ang dalagang kapitbahay habang naliligo ang una sa loob ng kanilang palikuran kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Nakapiit sa detention cell ng Navotas City police ang suspek na nakilalang si Jose Jintalan ‘alyas Ute’, 32, ng R-10, Brgy. North Bay Boulevard North, Navotas City at nahaharap sa kasong Unjust Vexation sa Malabon-Navotas Prosecutor’s Office.

Sa ulat ni P03 Belany Dizon, may hawak ng kaso ng Women’s Concerned and Protection Desk ng Navotas police, dakong alas 5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Ayon sa biktimang si Jopay (di-tunay na pangalan) 20, dalaga, ng NBBN, naliligo ito sa loob ng kanilang palikuran nang makarinig ng kaluskos, dahilan upang alamin nito ang ingay hanggang sa madiskubre nitong sinisilipan pala siya ng suspek.

Agad nitong ipinagbigay-alam sa kanyang magulang ang ginawang paninilip ng suspek, kung saan sinamahan ito sa nasabing himpilan ng pulisya para pormal na magsampa ng kaso laban kay Jintalan na mabilis na nadakip ng mga rumespondeng barangay tanod. (MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.