Nambomba sa chapel sa Sulu nakapuga; Bomba, nasamsam

NAKAPUGA SA PAGSALAKAY ang isang pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) urban terrorist group na sangkot sa pambobomba sa simbahan ng Jolo, Sulu na ikinasugat ng 11 katao noong Pasko sa isinagawang operasyon sa kapitolyo ng lalawigan kamakalawa.
Sa ulat ng Police Regional Office–Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM) kinilala ang pakay ng dragnet operation sa  alyas  lamang nitong Gafur, isang bomb expert ng bandidong grupo.
Bandang alas-2 ng hapon nang lusubin ng Special Operation Group (SOG) team ng Jolo Municipal Police Station sa pamumuno ni Inspector Juliebee Muksan, Chief of Police at Provincial Intelligence and Investigation Personnel ang safehouse ni Gafur sa Zone 3, Brgy. Tulay, Jolo, Sulu.
Ang suspek ay itinuturong responsable sa pambo-bomba sa Sacred Heart of Jesus Chapel sa Jolo, Sulu noong Disyembre 25 na ikinasugat ng 11 katao, kabilang si Fr. Rick Baculcol.
Gayunman, natunugan ng suspek ang raid kaya’t mabilis itong tumakas sa direksyon ng kagubatan ng Sitio Tanjung, Brgy. Kahatian, Indanan, Sulu.
Nakuha naman sa pagsalakay ang ibang sangkap sa paggawa ng bomba kabilang ang dalawang kilo ng ammonium nitrate, 18 piraso ng electrical wirings na kulay puti, kayumanggi, abo at asul.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.