Nambababae sa cellphone
Mister, Tinarakan ni Misis

KRITIKAL ANG kalagayan ng isang mister matapos saksakin ng kanyang misis sa Villanueva, Misamis Oriental.

Kinilala ang nasabing biktima na si Rudy Damayla-on, 44, habang ang salarin ay ang kanyang maybahay na si Jenna Damayla-on residente din sa naturang lugar.

Nagalit ang misis ng biktima matapos mahuli itong nambababae sa pamamagitan ng cellphone.

Dahil sa tindi ng galit ng asawa, kumuha ito ng icepick at isinaksak sa biktima nang maraming ulit.

Nagtamo si Rudy ng maraming sugat sa kanyang likod, kamay at iba pang parte ng kanyang katawan.

Samantala, patuloy

pang ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center ang biktima habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang misis nito matapos tumakas sa malayong lugar pagkatapos ng insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.