Namatay habang ipinagbubuntis
Anak nina Gov. Jun Jun Ynares at Andrea Bautista, inilibing na

NGAYONG ARAW na pala ililibing ng mag-asawang Gov. Junjun Ynares at Andrea Bautista-Ynares ang kanilang baby na namatay sa sinapupunan ni Andeng.

Nalungkot talaga ako nang nabalitaan ko ito dahil nakatakda nang iluluwal ito ni Andeng mga two weeks from now, pero sa ‘di inaasahang pangyayari, namatay ito habang ipinagbubuntis niya.

Sa mga hindi pa nakakakilala kay Andeng, siya ang younger sister ni Sen. Bong Revilla na nag-aasikaso ng Imus Productions.

Nakalulungkot talaga dahil tao na ito eh, buong-buo na ang baby at iluluwal na lang sa susunod na buwan.

Ang kuwentong nakarating sa amin, dapat ay baby shower na raw ni Andeng nu’ng nakaraang Biyernes pero nagpa-check-up ito sa doktor niya dahil parang hindi na raw gaanong gumagalaw ang baby niya.

Nu’ng pina-ultrasound niya ito, doon niya nalamang patay na pala dahil nakapulupot daw ang umbilical cord nito sa paa niya.

Mahigpit siguro ang pagkapulupot sa paa ng baby kaya hindi na dumadaloy ang dugo nito.

Kaagad na isinugod ng hospital si Andeng para operahan ito. Kailangang tanggalin ang baby sa kanya para hindi ito malason.

Mabuti naman at naagapan pero siyempre malungkot ang mag-asawa dahil bale pangatlong baby girl na sana nila ito.

Kaya iyak nang iyak daw si Andeng pagkatapos siyang operahan.

Nu’ng nakausap namin nu’ng kamakalawa, medyo okay na siya dahil kailangan daw niyang magpalakas para sa dalawa pa nilang anak.

Hindi na sila nagkaroon ng burol para sa baby nito. Ipalilibing na nila ito ngayong araw sa memorial park nina Gov. Junjun sa Binangonan, Rizal.

Sabi ko nga kay Andeng, may angel na itong magbabantay sa kanya, pero siyempre malungkot pa rin ito at medyo hirap pa siyang maka-recover.

Siguro, dapat na ibakasyon muna nila si Andeng para kahit papa’no ay makapag-adjust ito sa trahedyang nangyari sa kanila.

Nangyari rin ‘yan noon kina Bong at Lani pero nailuwal talaga ito ni Lani, kaya lang hindi nagtagal namatay din dahil blue baby ito.

 

PINAGHAHANDAAN NA ngayon ni Dingdong Dantes ang susunod na drama series na gagawin niya sa GMA-7.

Excited siya rito dahil kakaiba siya at malaking project din ito ng GMA.

Ang bago pa rito, bale first time nilang magka-partner dito ni Kylie Padilla na bagong tandem ito. Kaya malaking challenge din ito kay Dingdong.

Natutuwa naman si Dingdong kay Kylie dahil nakikita naman daw niya ang dedication nitong dalaga ni Robin Padilla sa trabaho kaya mukhang malayo raw ang mararating nito.

Hindi pa naman sila nagsisimula, kaya mas pinagkaabalahan muna ni Dingdong ngayon ang pelikula niyang entry sa Metro Manila Film Festival.

Naghu-host pa naman siya sa gala night ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break.

Meron din siyang pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles na magsu-showing na sa October.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.