Namaril sa 15 Pulis sa Cavite, Tukoy na

 

MAY LEAD na ang Cavite Police Provincial Office (CPPO) para matukoy kung sino ang mga responsable sa pamamaril sa 15 pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa may bahagi ng Muslim community sa Dasmariñas, Cavite.

Batay sa impormasyon mula kay C/Insp. Gil Torralba, Deputy Chief for Intelligence ng Cavite Police Provincial Office, nabatid na naglunsad ng buy-bust operation ang 15 police sa may Brgy. Datu Ismael na kilalang Muslim community sa Cavite, kung saan isang suspected drug pusher ang nahulog sa kamay ng pulisya at nakuhanan din ng ilang gramo ng Shabu.

Ayon pa kay Torralba, habang papaalis na sa nasabing lugar ang mga pulis, bigla na lamang silang pinaulanan ng bala ng mga ‘di nakilalang suspek.

Nabatid na isa sa dalawang sasakyan na ginamit ng mga pulis sa operasyon ang naiwan sa lugar.

Tiniyak naman ng police official na walang nasawi o nasugatan sa mga pulis na pinaulanan ng bala.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.