Namamaskong mga Pulis

0932726xxxx – Idol Raffy, dito po sa amin sa Bulacan, Bulacan lahat po ng tindahan at computer shop hinihingian po ng Pamasko ng mga pulis. Bibigyan nila ng sobre tapos babalik-balikan nila. Gamit pa po nila iyong patrol car sa pamimigay ng sobre, ‘di ba bawal iyon?

0923894xxxx – Sir, pakikalampag nga po iyong traffic enforcer sa Pasay na si Rupan dahil sobrang yabang. Wala naman po kaming violation, pero pumagitna pa sa kalye at ayaw kaming padaanin.

0922763xxxx – Irereklamo ko po iyong daan dito sa may Balara dahil sa butas-butas po, malapit po iyon sa school ng Balara, QC.

0921228xxxx – Sir, bakit iyong pulis na si Noel Ballon tuwing duty niya, lagi siyang may kasamang babae at umiinom pa ng alak sa police station.

0933264xxxx – Irereklamo ko lang po rito sa San Isidro 2, Paombong, Bulacan ang sobrang bahong babuyan na naisumbong na namin sa munisipyo, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon na nangyayari. Nag-aalala na po kami dahil nagkakasakit na ang mga bata rito sa amin.

0927814xxxx – Sir Raffy, hihingi po ako ng tulong kasi may motor akong kinuhang hulugan, wala pang isang buwan ay nasisira na. Inireklamo ko po sa pinagkuhanan ko kaya ginawa nila. Pero after ng dalawang linggo, sira na naman po ulit. Tapos po mga ilang beses pa muling nasira kaya po nakiusap po ako sa kanila na palitan na lang ang unit, ang sagot po nila sa akin, obserbahan daw po muna. Pero hindi na naman po nagtagal sira na naman. Kaya po ngayon ay gusto ko nang isauli, pero ayaw naman po nilang ibalik ang aking nai-down, samantalang under warranty pa naman po. May karapatan po ba akong mabawi kahit iyong nai-down na lang po? Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

0926185xxxx – Sir Raffy, hihingi po ako ng tulong at payo sa inyo. Namasukan po ako bilang kasambahay sa Cubao, QC. Hindi ko po alam na doon pala ako sa kanila mapupunta kasi iyong napagkasunduan namin doon dapat ako papasok sa bahay ni Ms. Emily. Ang sabi nila, P3,000 daw starting ko at ang trabaho ay laba, luto, linis at plantsa lang. Nag-ok na po ako pero noong nandoon na ako, P2,500 lang pala ang sahod ko at ang masaklap pa roon, dinagdagan pa niya mga trabaho ko. Dumagdag iyong pag-aalaga ng mga halaman niya at ginawa pa akong tindera. Umabot po ako ng anim na buwan sa kanila at halos buwan-buwan ay nagpapaalam ako sa kanila na aalis na ako. Nakalimang beses na akong nagpaalam pero ayaw nilang pumayag dahil wala raw akong kapalit. Kaya naglayas na po ako dahil nahihirapan na ako sa pagtatrabaho kanila. Ngayon po, nalaman ko na pina-blotter daw po ako ng amo ko. Name n’ya po, Michele Tan, isa po siyang Chinese. Mali po ba iyong ginawa ko? Gusto ko pong humingi ng payo sa inyo. Asahan ko po bukas na sana marinig ko iyong payo ninyo. Salamat po.

Para sa inyong mga sumbong mag-text sa 0917-7WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Comments are closed.