Namamasko Po!

ISA ANG BAGUHANG aktres na si Gwen Zamora sa mga nag-uusbungang pretty faces ngayon sa showbiz kaya naman hindi nawawalan ng raket ang Kapuso girlet na itey. Bukod sa kasali siya sa longestrunning

gag show ng Siyete na Bubble Gang, may MMFF entry

pa siya this December 25.

May mga tsismaks na nililigawan daw ni Papa Aljur Abrenica ang magandang dalaga pero hindi pa ito kumpirmado. Ano ba itong si Papa Aljur, kung sinu-sino na lang ang pinopormahan, matapos ma-link kina Kris Bernal at Rhian Ramos, si Gwen naman ngayon? Ang guwapo mo p’re, chos!

Kung true nga eh, suwerte ang mokong kay Gwen dahil mala-diwata ang kagandahan ng gaga at buwenas na ang lolo n’yo, he-he-he. Ching! Narito ang bagong pantasya ng bayan, ready nang mamasko sa inyo. Bigyan n’yo naman siya kahit na piso, hek-hek!

Photos by Luz Candaba

By MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.