Namamaril ng Ibon Misis, mister ang nabaril

AKSIDENTENG TUMAMA sa tiyan ng isang mister ang bala ng baril na ipinutok ng isang misis habang namamaril ng ibon ang mag-asawa sa kanilang lugar sa Mandaue City, Cebu kamakailan.

Hindi agad naiulat sa mga awtoridad ang insidente dahil ayon sa mga kamag-anak ng biktimang si Ernesto Zambo, 66, ay umasa pa sila na maisasalba pa sa pagamutan.

Ayon naman kay Inspector Ramil Porpos ng Mandaue City Police Station, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa tiyan ang biktima na nagresulta sa agaran nitong kamatayan pagkatapos na aksiden-teng mabaril ng kanyang misis na si Tita Zambo, 47-anyos.

Lumalabas na nangyari ang insidente nitong nakaraang araw ng Sabado habang namamaril ng ibon ang mag-asawa sa kanilang lugar sa G. Ouano St., Barangay Alang-Alang, Mandaue City.

Hindi umano sinasadyang naiputok ng misis sa tiyan ng kanyang asawa ang hawak na airsoft gun. Agad namang isinugod sa ospital ang mister subalit agad din itong binawian ng buhay makalipas lamang ang isang oras na operasyon.

Agad na nilinaw ng mga kaanak ng biktima kabilang si Cebu Provincial Board Member Ian Zambo na walang naganap na foul play sa pagkakabaril ng misis sa kanyang mister dahil kahit kailan ay hindi naman nag-away ang mag-asawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.