Naligawan na ang lola at pamilya
Julia Montes, wala nang kawala kay Enchong Dee!

NAGING MAGBABARKADA sina Enchong Dee, Enrique Gil, Xian Lim, Matt Evans at Kean Cipriano nang gawin nila ang pelikulang The Reunion ni Direk Frasco Santos Mortiz under Star Cinema. Sa presscon, naging  sentro ng tuksuhan sina Julia Montes at Enchong. Hindi kaila sa atin na matagal nang may pagtingin ang young actor kay Julia. Habang nakamasid lamang sina Jessy Mendiola, Megan Young and Bangs Garcia na kasama rin sa cast.

Tinanong si Julia kung sino sa mga lalaking nasa cast ang gusto niyang makasama? “Si Enchong po, matagal na kaming magka-kilala at masaya ako kapag kasama ko siya,” say ni Julia na ikinakilig ng kanilang fans na nasa loob ng Dolphy Theater.

Inamin ni Enchong na may feeling siya para kay Julia. Nalulungkot siya kapag hindi niya nakikita o nakakausap man lang ang dalaga. Bigla nitong tinitigan si Julia habang nagsasalita. Hindi nito napigilang sabihin sa media, “Sino ba ang gustong maging malungkot? Hindi pa nga siya eighteen, handa na ako,” say ng young actor na lalong ikinatuwa ng mga fans sa binitiwang salita ng kanilang idolo.

Habang tumatagal, lalong nagiging kaakit-akit si Julia. Hindi kataka-takang mabighani si Enchong sa angkin niyang kagandahan at kabaitan. Hindi ipinagkakaila ng binata na malaki ang pagkakagusto niya sa young actress. Very vocal pa nga ang actor sa pagsasabi ng kanyang saloobin sa dalaga. “Seryoso ko siyang liligawan kapag nag-eighteenth birthday na siya. ‘Yun ang ipinangako ko kay lola at sa family ni Julia. Seven months na lang, I’m willing to wait at alam niya ‘yun,” pagmamalaking sabi ni Enchong.

Ano naman ang masasabi ni Julia sa mga binitawang salita ni Enchong? “Siyempre po, flattered ako dahil ako ang napili niya at nakita ko naman he’s willing to wait. Mabait po si Enchong at masarap kausap. At saka, mahusay makisama sa mga tao lalong-lalo na sa mga fans,” tugon nito.

Matagal nang magkakilala sina Julia at Enchong. Nene pa noon ang dalaga kaya kahit gusto man niyang ligawan si Julia ay hindi pa puwede. Ma-dalas sabihin ng actor na nakahanda siyang maghintay nang tamang panahon para pormal niyang ligawan sa bahay si Julia. “Napaka-gentleman po ni Enchong, malaki ang respeto niya kay lola, pati na rin po sa family ko. Dumadalaw po siya sa bahay. Kapag wala akong taping, nasa bahay lang ako. Madalas na kakuwentuhan niya ay si Lola kapag nasa bahay siya. Magkasundo silang dalawa sa maraming bagay, pati na rin ang family ko. Wala akong masabi sa kanya, enjoy akong kausap siya,” papuring turan ni Julia.

Kahit friends palang ang turingan ngayon nina Julia at Enchong malaki ang posibilidad na mauwi to something beautiful ang kanilang relationship. Pursigido ang actor na makamit niya ang matamis na ‘oo’ ni Julia. Tipong walang hadlang kung sakaling maging sila na kapag nag-eighteen na ang dalaga.

Dalagang-dalaga na nga si Julia kahit seventeen pa lang siya. Hindi alangan maging leading lady siya ni Coco Martin sa Walang Hanggan. Kumusta naman ang working relationship nila ng actor? “Very supportive po si Coco sa akin, inaalalayan niya ako sa mabibigat naming eksena. Napakagaling po niyang actor at napaka-gentleman. Marami akong natutuhan sa kanya pagdating sa acting. Pati na rin po sa buong cast na pawang ang gagaling. Masuwerte po ako at ako ang napili para sa role na Katerina sa teleserye namin ni Coco,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

10 thoughts on “ Naligawan na ang lola at pamilya
Julia Montes, wala nang kawala kay Enchong Dee!

  1. NAKU JULIA MONTES PLS LNG KHIT MAGSIBAK PA NG KAHOY YANG C ENCHANG WAG MONG PATULAN KC TYAK NA MAGIGING CARMINA VILLAROEL THE 2ND KA. BAKLA YANG C ENCHANG!!!!NEXT RUSTOM PADILLA YAN.

  2. hehehehe… ito nanaman!!! para d bistadong bakla c enchang liligawan kono c girlalot… weeeeehhh!!! kunwari nanaman para sikat?! d naman mag tatagal tapus liligawan naman iba… tapus liligaw nanaman ulit para sikat… hays… mga loko lokong bakla!!!

      • hahaha si bading manliligaw?bading yan ung barkada ko tsinupa ng hayop na yan eh….hahaha laki ng bayad,,galante sa lalaki yan si echang

Leave a Reply

Your email address will not be published.