Nalamang ikakasal sa ibang lalaki Nobya at Ina Nito, Utas sa Nagwalang Seaman

NAPATAY NG isang seaman na kadarating mula sa ibang bansa ang kanyang nobya at ina nito matapos magwala nang malaman na ang kasintahan ay ikakasal na sa ibang lalaki sa lalawigan ng Isabela.

Kinilala ang mga nasawi na sina Lita at Catherine Galamay ng Midtown Village, Paddad, Alicia, Isabela matapos pagsasaksakin ng maraming beses ng suspek na si Ave Astacio, residente ng Barangay Dos, Solano, Nueva Vizcaya.

Nangyari ang insidente bandang alas-2 ng hapon nitong Sabado matapos kumprontahin ng seaman ang nobyang si Catherine at kanyang mga magulang.

Masamang-masama umano ang loob nito dahil ang bahay at iba pang ari-arian umano ng pamilya Galamay ay mula sa pera na ipinapadala ni Astacio.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan si Catherine, 25, kawani ng isang pribadong kumpanya at kanyang nanay na si Lita.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang nasabing suspek na tumakas matapos ang ginawang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.