Nalamang ‘di na makapag-aaral Dalagita, naglason

NAGLASON ANG ISANG dalagita nang malaman na hindi makakapag-aral ngayon pasukan sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Nicole Laxa, 15 ng Raja Humabon St., Daanghari ng lungsod.

Sa ulat, alas-5:30 ng umaga, kinakatok ng isang kaanak ang biktima sa kuwarto nito upang gisingin subalit walang sumasagot.

Dahil dito, sapilitan binuksan ang pintuan ng biktima subalit laking gulat ng mga kaanak nang makitang bumubula ang bibig ng dalagita habang nasa tabi ang isang botelya ng silver cleaning solution na naging dahilan upang dalhin sa TMC.

Nabatid na nagsimulang maging malulungkutin ang biktima nang malaman na hindi makakapag-aral ngayong pasukan.                                              (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.