NALAMAN NAMING NAKA-CONFINE ngayon sa isang exclusive hospital sa Pasig ang beteranong aktor. At sa naturang ospital din pala naka-confine ang isang aktres.

NALAMAN NAMING NAKA-CONFINE ngayon sa isang exclusive hospital sa Pasig ang beteranong aktor. At sa naturang ospital din pala naka-confine ang isang aktres.

Ayon sa isang nurse na nakausap namin, nagkagulo pa raw nu’ng una sa floor na naroroon ang aktres, dahil ayaw pa nitong pa-confine. Nagtatakbo pa raw ito sa may hallway sa floor na iyon.

Pero ang balita, ipare-rehab na rin ito dahil nag-overdose ng Ecstacy (at ng iba pang pills), kaya napukaw tuloy ang atensiyon ng ibang taong naroroon sa floor.

“Nagtatakbo pa nga po, eh. In denial pa rin siya na nagda-drugs siya. Kaso, ‘yung kapatid na rin niya ang nag-suggest na i-confine na lang doon ang aktres para sa withdrawal na gagawin at detoxification.”

Nagbilin pa raw ang kaanak na kasama that time ng aktres sa mga nurses na ‘wag nang itsismis at manatiling confidential ang pagpasok ng aktres doon.

Hindi muna kami magbibigay ng clue hangga’t wala kaming nakakausap mula sa kampo ng aktres. Umaasa rin kaming sana nga ay maagapan ang pagkalulong ng aktres sa droga.

Sayang ang aktres kung mapupunta lang sa wala ang kanyang mga pinagpagurang pangalan. Mahusay pa namang artista at hindi tumatanda ang mukha.

Saka kailangan din siya ng kanyang mag-aama, kaya sana nga, maka-recover siya.

(Ogie Diaz)

loading...

5 thoughts on “NALAMAN NAMING NAKA-CONFINE ngayon sa isang exclusive hospital sa Pasig ang beteranong aktor. At sa naturang ospital din pala naka-confine ang isang aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published.